China nangakong tutulong sa pag-crackdown laban sa mga POGO-related crimes

Susuportahan ng gobyerno ng China at Pilipinas sa pag-crackdown sa mga krimen na may kaugnayan sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), kasabay ng pag-gigiit na ang gambling, online man o overseas, na nagawa ng mga Chinese citizens ay ilegal.

Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, handa ang kanilang gobyerno na paigtingin ang kanilang law enforcement cooperation sa Pilipins, para hindi umano masaktan ang interests ng bansa, at maprotektahan din ang seguridad at legitimate rights at interests ng mga Chinese citizens na nasa Pilipinas.

Ang naturang commitment ay kasunod ng pulong ni Huang kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, para maresolba ang POGO-related crimes.

Nabatid na inabisuhan ng Pilipinas ang Chinese government na karamihan sa mga bagong krimen na target ang mga Chinese citizens, ay may kaugnayan sa POGOs.

Bagama’t narescue na ang mga Chinese at naipasara na ang operasyon ng ilang POGO, ay patuloy parin na nakikipag-ugnayan ang Chinese Embassy sa Manila sa Philippine law enforcement agencies para matugunan ang naturang usapin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *