China, papalakasin ang law enforcement activities sa ilang isla ng Taiwan

Palalakasin ng Chinese Coast Guard ang law enforcement activities nito at magsasagawa ng mga regular na patrolya sa paligid ng mga isla na kontrolado ng Taiwan.

Ito’y matapos tumaas ang tensyon nang masawi ang dalawang Chinese national na sakay ng isang speedboat at bumangga sa barko ng coast guard ng Taiwan.

Kinondena ng China ang mga aksyon ng Taiwan at binansagang “wicked” ang nangyaring insidente.

Matagal nang nagrereklamo ang Tawian hinggil sa mga Chinese fishing boat at iba pang sasakyang-dagat na tumatakbo sa kanilang mga controlled areas, partikular na sa Kinmen at Matsu islands na malapit sa baybayin ng China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *