China, pinabulaanan ang alegasyong pag-hack sa ahensya ng gobyerno

Pinabulaanan ng China ang mga alegasyong pag-hack ng email systems at internal websites ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas.

Ayon sa isang tagapagsalita mula sa Chinese Embassy, mahigpit nilang tinututulan ang lahat ng uri ng cyber attack alinsunod sa kanilang batas, na hindi nagpapahintulot na makisali sa anumang cyber attack at iba pang mga ilegal na aktibidad sa lupain ng China o paggamit ng kanilang imprastraktura.

Dagdag pa nito, walang batayan ang mga akusasyon ng mga opisyal mula sa Pilipinas, na umabot pa aniya sa pag-uugnay sa hindi pagkakaunawaan ng dalawang bansa sa South China Sea.

Sa huli, sinabi ng opisyal ng China na isang global challenge ang cybersecurity, kaya’t hinimok nito ang Pilipinas na lubos itong pangalagaan sa pamamagitan ng dayalogo at kooperasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *