China, sinabing mapanganib ang komento ng Amerika ukol sa AUKUS submarine project

Binansagan ng China bilang mapanganib ang komento ng isang senior diplomat ng Amerika hinggil sa AUKUS submarine project sa pagitan ng Australia, Britain at United States.

Ito ang tugon ng China sa sinabi ni US State Department’s No. 2 diplomat, Deputy Secretary of State Kurt Campbell na ang kakayahan ng mga bagong submarine ay maaring makapagbigay ng kapayapaan at katatagan, kabilang na ang relasyon ng China at Taiwan.

Ayon sa tagapagsalita ng China’s Taiwan Affairs Office na si Zhu Fenglian, pumukaw ito ng komprontasyong militar sa rehiyon.

Bagama’t ang US ay matagal nang naging tagapagtaguyod at tagapagtustos ng armas ng Taiwan, pareho ring sinusuportahan ng Britain at Australia ang isla at nagpahayag ng pagkabahala sa panggigipit ng militar ng China laban dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *