China, umaasang babalik sa ‘right track’ ang relasyon kasama ang Pilipinas

Nanindigan ang China na maaari pa rin naman daw bumalik ang mainit na bilateral ties sa pagitan ng kanilang bansa at ng Pilipinas.

Ito ang idiniin ni Chinese Ambassador Huang Xilian sa gitna ng issue ng pagbati ni Pangulong Bongbong Marcos sa bagong Taiwanese leader na anila’y malinaw na paglabag sa ‘One-China’ policy.

Maliban pa ito sa isyu ng patuloy na aggresion ng China sa West Philippine Sea, at ang hindi nila pagkilala sa pagkapanalo ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Sabi ni Huang – umaasa raw silang mananatiling magkaibigan ang Pilipinas at sa China.

Hindi pa raw huli ang lahat para maging ‘on track’ mulia ng relasyon ng dalawang bansa.

Sa huli, sinabi ng envoy na sana raw, unahin ng Gobyerno ang interest ng lahat, at hindi laman ng maliliit na mga grupo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *