Chinatown sa Maynila, buhay na buhay na ngayong bisperas ng Chinese New Year

Buhay na buhay at dagsa na ang mga tao ngayong bisperas ng Chinese New Year sa Binondo, Maynila.

Mabenta na rin ang iba’t ibang paninda tulad ng pampaswerteng pagkain gaya ng tikoy at iba pang malalagkit na pagkain gayundin ang mga lucky charm bracelet.

Kabilang sa pinagkakaguluhan ng mga tao ay ang dragon dance at fire dance sa bawat kanto ng Binondo.

Kaugnay nito, mahigpit na rin ang seguridad at ipinakalat na ang nasa 500,000 mga pulis dahil inaasahang nasa isang milyong katao ang makikibahagi sa pagdiriwang bukas ng Chinese New Year sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *