Chinese businessman, kinidnap sa Sta Cruz, Maynila

Dinukot ng dalawang hindi pa kilalang lalaki ang isang Chinese businessman sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa Manila Police District (MPD), pasakay na sana sa kanyang motorsiklo ang biktima nang biglaan na lamang ito hinablot ng mga suspek.

Kasalukuyang hawak ng MPD Anti-Kidnapping Group ang kaso dahil nanghihingi umano ang dalawa ng ransom money kapalit sa pagpapalaya ng Chinese National.

Sa ngayon, on-going pa ang negotiation sa pagitan ng pamilya, at otoridad sa mga kidnappers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *