Chinese national na wanted sa pyramid scam, timbog sa Laguna

Naaresto ng Immigration authorities ang isang Chinese citizen na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa isang malaking scale pyramid investment scam.

Ayon sa salaysay ni Immigration Commisioner Norman Tansingco, ang suspek na si Lui Jing, 44-anyos ay naaresto sa isang subdivision sa Biñan Laguna noong May 19, 2023.

Si Lui ay naaresto sa utos ng Chinese Authorities sa BI Chief.

Ani Tansingco, ikinansela na ang passport ng suspek at tinanggalan na rin ito ng mga dokumento para tuluyang madeport.

Dagdag pa rito, ang foreigner umano ay dumating sa Pilipinas noong Disyembre 31, 2019 na tourist visa lamang ang dala.

Hindi na ito umalis ng bansa simula noon kung kaya ito ay maituturing na over staying.

Samantala, sinabi ni BI-FSU acting Chief na si Rendel Ryan Sy na si Liu ay may warrant of arrest mula sa public security bureau sa Yongjian District ng Handan City sa Hubie province, China na may petsang May 12, 2021.

Ito ay inakusahan na nag-ooperate ng pyramid investment schemes sa pamamagitan ng foreign currency exchange platform at nakapanloko ng mahigit 300,000 na mga Chinese na nawalan ng mahigit $2.5 milyon dolyar.

Sa kasalukuyan ang suspek ay nasa kustodiya ng BI warden sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang nakabinbin ang paglilitis sa kanyang deportasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *