Chinese nat’ls na nakatanggap ng bakuna vs COVID-19 sa Pasay city, permanent residents

Nilinaw ng Department of Health na ang ilang Chinese citizens na nabakunahan laban sa COVID-19 sa Pasay City ay mga “permanent residents” na sa naturang lungsod, dahilan para maging eligible ang mga ito sa inoculation program ng gobyerno.

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga dayuhan na permanente nang nakatira sa bansa ay maaring mabakunahan sa ilalim ng panuntunan ng inter-agency task force.

Binigyang diin ni Vergeire na ang naturang hakbang ay para magilan ang pagkalat ng COVID-19 sa iba pang nationalities sa Pilipinas.

Maliban dito, binigyang diin ng opisyal na ito rin ay pinapayagan batay sa department memorandum No. 2021-0157 dated Mar. 30, 2021 ng Department of Health.

Una nang kinumpirma ng Pasay City local government na binakunahan ang mga Chinese nationals dahil ang mga ito ay senior citizens at persons with comorbidities, na kabilang sa priority sectors ng COVID-19 vaccination program ng pamahalaan. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *