Chinese Pres. Xi, hinimok ang mga militar ng China na maghanda para sa military conflicts

Hinimok ni Chinese President Xi Jinping ang mga militar sa China na maghanda para sa military conflict sa dagat.

Ayon kay Xi ang paghahanda na ito ay para sa proteksyon sa kanilang maritime rights at interest pati ang pagpapaunlad ng kanilang maritime economy.

Sinabi pa ng Presidente na mahalaga rin ang pagtatatag ng defense system sa kanilang cyber space at pagpapalakas ng kanilang abilidad para itaguyod ang network security ng bansa.

Ang pahayag na ito ay sinabi ni Xi kasama ang ilang deligado ng people’s liberation army at ang police force sa taunang parliament meeting ng China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *