Chinese vessel, pinataob ang isang bangkang pangisda ng mga Pilipino

Tila hit-and-run ang ginawa ng Chinese vessel na MV TAI HANG 8 sa isang pangisdang bangka ng mga Pilipino sa Occidental Mindoro.

Sa lakas ng impact nabali ang katig ng bangka pero hindi na huminto ang Chinese vessel na na-monitor pa ng Philippine Coast Guard na dumaraan sa Sibutu strait sa Tawi-Tawi papuntang Indonesia.

Laking pasasalamat ng may-ari ng bangka na si Jaziel Salinas sa mga mangingisdang nakakita sa kanila gayundin sa Philippine Coast Guard Occidental Mindoro sa agarang aksyon sa insidente.

Alinsunod sa protocol sa maritime incident kinontak ng Cost Guard ang dadaungan ng barko at susulatan din ang flag states ng barko.

Nangako naman ang PCG na pananagutin ang mga sangkot sa nangyaring  insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *