Chopsticks, natagpuan sa ulo ng lalaki sa Vietnam

Sabi nila drink moderately para  makaiwas sa ano mang away at aksidente pagkagaling sa inuman.

Isang lalaki kasi umano kamakailan sa Vietnam ang napatrouble sa isang inuman ngunit, dinala naman umano siya sa ospital at wala naman nakitang malubhang injury.

Samantala, pagkatapos nito ay limang buwan na umano sumasakit ang kaniyang ulo, nakararanas na rin ito ng pagkabulag ay pagtulo ng discharge fluid sa kaniyang ilong.

Kaya naman, napagdesisyonan niya nang ipatingin ito sa doktor at isinailalim nga siya sa CT scan at dito napag-alaman na mayroon palang pares na putol na chopstick ang nakatarak mula sa kaniyang ilong hanggang sa kaniyang utak.

Noong una ay wala siyang maalalang dahilan, hanggang sa sumagi sa kaniyang isip ang nangyari nga noong siya ay mapatrouble sa isang inuman.

Sa kasalukuyan, naging matagumpay naman ang operasyon at stable na ang lagay kaniyang kalagayan.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *