Chot Reyes, nagbabalik bilang head coach ng TNT Tropang Giga sa PBA

Nagbabalik bilang head coach ng TNT Tropang Giga si Chot Reyes.

Ito’y kasabay ng pagtatapos ng kontrata ni Jojo Lastimosa bilang mentro ng koponan matapos ang dalawang conference.

Ngunit sa parehong anunsyo, kung saan nakita sina Reyes at Lastimosa na nakikipagpulong kay PBA Chairman at TNT Governor Ricky Vargas at team owner na si Manny Pangilinan, sinabi ng organisasyon na pumirma si Lastimosa ng extension bilang team manager.

Naganap ang reshuffling matapos ang pag-exit ng Tropang Giga sa 2023-24 PBA Commissioner’s Cup nang matalo sila sa Magnolia Hotshots sa quarterfinals noong Miyerkules.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *