Christmas festival sa Surallah, all set na

KORONADAL CITY – HANDA na ang bayan ng Surallah para sa Christmas Festival 2023 na magsisimula sa December 1 hanggang December 31. Inihayag ni Mayor Pedro Matinong Jr na naglaan ang LGU ng P 8,980,700 na pondo para sa kapistahan.

Aabangan sa Christmas Festival ang Light a Structure Contest kung saan magpapatalbugan ang walong mga participating entities sa pagpapaganda ng Christmas structure batay sa konsepto na “Pasko sa Pinas”. Kaabang-abang din ang mga dekorasyon at Christmas lights sa municipal ground, roundball at maging sa kahabaan ng national highway ng Surallah.

Ngunit ayon kay Mayor Matinong na highlight ngayong taon ang Mutya ng Surallah 2023 kung saan 12 mga magagandang dilag ang maglalaban-laban. Ito ay pinondohan ng P 1.4 million.

Napag-alaman na 2019 pa ang huling Mutya ng Surallah Pageant. Kabilang sa iba pang aktibidad ang Color Fun Run, Zumba Party, sports competition, Inter-High School Dance Fusion Competition, Motocross kag iban pa. Ang Surallah ang tinaguriang Christmas Capital ng South Cotabato dahil sa month-long celebration nito ng pasko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *