Christmas party sa mga paaralan gawing simple at makabuluhan ayon sa DepEd

CAMARINES NORTE – Hinimok ng Department of Education (DepEd)ang  mga pampublikong eskwelahan na gawing simple pero makabuluhan ang gagawing Christmas party kaugnay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet inisa- isa ni Camarines Norte Division Public Information Officer at Administrative Officer V Antonio Ahmad ang mahahalagang probisyon ng DepEd Order No. 052-2022. Aniya tulad ng nakaraang taon, ito rin ang ipapatupad ngayon.

Alinsunod sa kautusan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, kailangang boluntaryo at hindi magastos ang gagawing Christmas party upang hindi masakit sa bulsa ng mga magulang ng mga estudyante.

Hindi rin daw dapat  magastos ang gagawing Christmas party themes, costumes, decorations, at exchange gifts ng mga estudyante.

Makabubuti kung hindi na bibili ng mga bagon g dekorasyon sa halip ay gamitin na lang ang luma at recycled materials.

Dapat din umanong boluntaryo ang kontribusyon sa pagdiriwang ng Pasko sa mga paaralan at opisina.

Sabi pa sa kautusan na dapat ding isama sa selebrasyon ang mga mag-aaral at tauhan kahit wala silang maibigay na kontribusyon o dalang regalo.

Sabi pa ni Ahmad, maliwanag din sa kautusan na  ang Christmas party sa mga paaralan ay maaaring gawin sa class hours bastat hindi nakakaapekto sa scheduled lesson plans.

Magsisimula ang Christmas break ng mga estudyante sa public schools sa December 18 at magre- resume ang klase sa Juanary 3, 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *