CICC nagpasaklolo na sa Japan government, para imbestigahan ang bomb threats

Nakikipag-ugnayan na ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC sa gobyerno ng Japan para magsagawa ng masusing imbestigasyon sa mga hoax bomb threat na natanggap ng ilang ahensya ng gobyerno sa Pilipinas.

Sa ulat ng Presidential Communications Office, nagpasaklolo na ang CICC sa Japan na magsagawa ng masusing imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan ng sender.

Sinabi ng CICC na ang email na naglalaman ng mga bomb threat ay nagmula sa Japan.

Meron din umano itong locally registered domain na nag hit sa ilang government agencies sa Seoul South Korea.

Nabatid na kabilang sa mga ahensya ng gobyerno na naka tanggap ng hoax bomb threat ay ang DepEd division office sa Bataan, LGU ng Iba Zambales, at ang opisina ng Department of Environment and Natural Resources o DENR sa Quezon city.

Paglilinaw naman ng CICC na walang dapat ika-alarma dahil ang sender at ang e-mail ay markadong hoax o peke.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *