CICC: paboritong target-in ng mga hackers ang government sites

Aminado ang Cybercrime Investigation and Coordinating Council o CICC na paboritong targetin ng mga hackers ang lahat ng government sites.

Ayon sa Deputy Executive Director ng CICC na si Mary Rose Magsaysay, minsan grupo ang gumagawa ng hacking, meron ding paisa-isa at meron pang malalaking organisasyon.

Nais daw kasi ng mga hackers na magpakitang gilas kaya palaging sinusubukan na puntiryahin ang mga websites ng pamahalaan.

Pero pagtitiyak ni Magsaysay hindi natutulog at 24/7 silang naka alerto sa mga ganitong uri ng krimen.

Ibinida pa nito na 100% nilang naresolba ang mga hawak nilang krimen.

Nabatid na huling naging biktima ng hacking ang facebook page ng Philippine Coast guard.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *