CICC: Smartmatic system nakompromiso, pero…

Iginiit ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center na nakompromiso ang poll technology provider na Smartmatic.

Bagama’t naniniwala ang CICC na walang hacking sa servers ng poll body, iginiit ni executive director Cezar Mancao II , na nadiskubre nilang talagang napasok ang system ng Smartmatic.

Sa public hearing ng Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System, hindi masyadong idenetalye ni Mancao ang naturang impormasyon, dahil sa pagiging sensitibo nito.

Dahil dito, humingi ang opisyal ng closed-door session para talakayin ang isyu.

Samantala, hindi nababahala ang Comelec sa umano’y breach na makakaapekto sa May 9 elections, dahil ang partisipasyon lang umano ng Smartmatic ay magbigay ng software, at wala silang hawak na sensitive information. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *