City LGU, tiniyak ang ayuda sa mga fisherfolks tuwing magkakaroon ng shellfish ban dahil sa red tide

SORSOGON CITY – Binigyang diin ng Lokal na Pamahalaang ng Lungsod ng Sorsogon na walang dapat ipag- alala ang mga mangingisda na maapektuhan tuwing nagpapatupad ng shellfish ban sa Sorsogon Bay dahil sa red tide.

Ayon kay Adeline Detera, ang head ng City Agriculture’s Office, noon pa man ay may tulong na na ibinibigay ang lokal na pamahalang lungsod sa mga apektadong mangingisda gaya ng bigas at ipa bang ayuda dahil batid nila ang matinding epekto ng red tide sa kabuhayan ng mga ito na inaasa lamang ang kabuhayan sa shellfish.

Tila, nabunutan umano ng tinik ang mga ito matapos na mag negatibo ang pinahuling sample na ipinadala sa BFAR at walang naipatupad na shellfish ban.

Gayunman, nanawagan pa rin ang opisyal sa lahat na kahit walang banta ng red tide sa Sorsogon Bay ay ibayong pag-iingat parin sa pagkain ng mga molusko o shellfish.

Hangga’t maari ay iwasan ang pagkain ng mga kinilaw na lamang dagat at linisin at hugasan ito ng maiigi bago ihain sa hapag kainan upang mas lalong maging ligtas sa kalusugan ng bawat isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *