City Traffic Management ng Olongapo, may magagamit nang tow truck

Mayroon nang sariling tow truck ang city government para maipagamit sa Traffic Management Office.

Ito ay sa halip na kumuha ng pribadong kompanya gaya nang nakagawian sa Olongapo.

Ayon kay OTMPS Chief Maj. Camilo Pablo, naiturn-over na sa opisina ang tow truck na kayang manghatak ng mga lights vehicles na lalabag sa parking ordinance.

Matatandaan, makailang ulit nang naghanap ng private contractor ang local government pero di na nakakapag-renew dahil sa mga hindi nasusunod na kasunduan.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *