Clark Metropolis – “mecca for tourist” at investment magnet – PBBM

Naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na malaki ang potensyal ng Clark Metropolis na maging investment at tourism destination ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa inspection ng Airport to New Clark City Access Road o ANAR, sinabi ng Pangulo na nakikita nyang magiging “mecca for tourist” at investment magnet ang Clark Metropolis.

Kinilala rin ng Presidente ang mahalagang papel ng ANAR.

Anya ang mga ganitong klase ng proyekto ay nagpapaabot ng mensahe sa mga potential investor, na committed ang bansa na magbigay ng sapat na imprastraktura at pasilidad upang tiyakin ang paglago ng kanilang future investment.

Ang ANAR ay may habang19.8 kilometers na magkokonekta sa Clark freeport sa Pampanga at New Clark City sa Tarlac.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *