Class picture with a twist, tampok sa isang unibersidad sa Batangas

Ngayong graduation season, tampok sa isang unibersidad sa Batangas ang kanilang graduation picture dahil sa pagiging creative.

Imbis kase na ordinary class picture ay gumamit sila ng kakaibang twist sa magkakaibang tema.

Kanya kanyang paandar ang mga Comm Arts students ng Batangas State University – Arasof Nasugbu Campus kung saan may nagmistulang anime, Philippine mythology, Hispanic Philippines, at Nations of the World.

Game din ang mga faculty at mismong Dean ng kolehiyo sa nasabing gawain na kasama din sa bawat creative class picture ng mga estudyante.

Ayon sa gurong si Robert Marrel Dela Vega, sinimulan ang creative class picture noong 2023 bilang bahagi ng pagsasanay sa visual arts pero dahil sa madalas na walang class picture ang mga college students ay naisipan niya itong gawing tradisyon sa mga estudyanteng magtatapos para magsilbing legasiya na iiwan nila sa paaralan at masayang remembrance nadin sa kanilang pagtatapos.

Dagdag pa niya na taon taon ay bagong tema ang makikita sa kanilang creative class picture na magpapatuloy pa sa mas mahabang panahon.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *