Classroom at guidance office sa Sto Niño NHS, nasunog!

KORONADAL CITY – ELECTRICAL connection, ito ang pinagmulan ng sunog na nangyari sa dalawang mga classroom sa Sto. Niño National High School. Ito ang kinumperma ni Senior Fire Officer o SFO 4 Garlit Noel Balili, OIC Fire Marshall ng Bureau of Fire Protection o BFP Sto. Niño sa interview sang 95.7 Brigada News FM Koronadal kung saan ang isa sa mga classroom ay ginamit ng Polomolok delegates na nilagyan ng kanilang supplies para sa isasagawang Provincial Athletic Association Meet ng South Cotabato.

Ayon kay Balili, nagmula sa classroom na ginawang stock room ng Team Polomolok ang sunog na umabot sa karatig na silid na siyang guidance office.

Inihayag ng opisyal, na ang nasabing electrical connection ng naturang silid ay applicable lamang para sa maliliit na appliances ngunit nagdala ng mga malalaking appliances ang delegasyon kung saan gumamit umano ang mga ito ng extension na naging dahilan ng apoy.

Una nito, nagpadala ng advance party ang Team Polomolok upang maging maayos na ang kanilang paghahanda sa pagdating ng kanilang delegasyon. Inihayag ni Balili, na kung pagbabasehan ang Table of Determination, nasa P700,000 ang pinsala, ngunit inaasahang madadagdagan pa ang halagang ito.

Maaalala na magsisimula na bukas Marso 17 hanggang 21 nag PAAM kung saan venue ang bayan ng Sto. Niño. Samantala, hindi naman umano nasunog ang karatig na mga silid dahil agad na naapula ang apoy sa tulong ng mga kawani ng BFP Sto. Niño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *