Claudine, balik pelikula matapos ang anim na taon

Babalik sa paggawa ng pelikula ang aktres na si Claudine Barretto matapos ang anim na taon mula nang gawin nito ang huli niyang proyekto na may titolo na “Etiquette of Mistresses.”

Mapapabilang si Claudine sa bagong pelikula na tinawag bilang “Deception” na idi-derek ni Joel Lamangan.

Magiging papel ni Baretto sa pelikula ang isang dating aktres na na-convict sa salang parricide at arson, na hirap na makabawi sa buhay matapos ang kanyang panahon sa kulungan.

Ipoprodus ng Viva Films at Borracho Entertainment ang pelikula, kung saan ay mare-reunite si Claudin sa unang boyfriend nito na si Mark Anthony Fernandez.

Sa isang mensahe naman na ipinadala ni Barretto sa media sa pamamagitan ng manager nito na si Arnold Vegafria, ay sinabi niya, “I’ve been raring to face the cameras once maore, and work with none but the best actors and directors in this industry..

Samantala, nakatakda naman ang pag-shoot ng pelikula sa pangunguna ni Joel Lamangan, simula sa June 11 sa Angeles at San Fernando, Pampanga.

Binigyang diin ni Lamangan na isang mahusay na aktres si Claudine at dapat ay mabigyan ito ng isa pang pagkakataon sa showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *