Claudine Barretto, nawalan ng higit 100M matapos umano kunin ni Raymart Santiago

Haharap muli sa korte ang hiwalay na mag-asawang sina Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Ibinunyag ni Claudine ang mga mabibigat na paratang niya kay Raymart, kabilang na ang pagsasampa ng kasong Violence Against Women and Children (VAWC), annulment, custody battle, at money and property issues.

Dahil rin kay Raymart, nagkaroon rin aniya si Claudine ng “battered-wife syndrome” at “post-traumatic disorder.”

Bukod pa rito, kinuha umano ni Raymart ang ang malaking naipon ni Claudine mula sa kanyang mga nagdaang teleserye, na umaabot sa daan-daang milyon.

Aniya, ang itinira lang ni Raymart ay PHP 25,000 at ang ibinalik lang sa kanya ay PHP7 million.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *