Clearing of lines tuloy- tuloy na ginagawa ng Canoreco

CAMARINES NORTE – Tuloy- tuloy ang pagsasagawa ng clearing operation ng mga tauhan ng Camarines Norte Electric Cooperative para alisin ang mga sagabal sa linya ng kuryente.

Kahapon nagsagawa ng clearing of lines ang Technical Services Department sa  mga bayan ng Labo at Vinzons.

Ayon sa naturang kooperatiba ng kuryente, isinasagawa ito upang maiwasan ang pagdikit ng mga sanga ng puno sa  mga kawad.

May mga pagkakataon kasi na tumatama ang sanga ng punongkahoy sa mga linya ng kuryente kaya’t kinailangan itong linisin.

Noong 2017, isa ang naturang kooperatiba ng kuryente sa pamamagitan ng kanilang Partylist sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nagtulak sa Anti Power Line Disturbance Bill bilang tugon sa kinakaharap nilang problema sa mga may ari ng punongkahoy na nagmamatigas na putulin ang sanga na nakakasagabal sa linya ng kuryente.

Taong 2019 ay pinirmahan naman ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11361 o ang Anti-Obstruction of Power Lines Act.

Sa ilalim ng naturang batas, ipinagbabawal ang pagtatanim ng “tall-growing plants” pagtatayo ng hazardous improvement at pagsasagawa ng anumang hazardous activities sa loob ng power line corridor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *