Clippers bigong masilat ang Suns sa Game 2 ng WCF, 104-103

Bigo ang Los Angeles Clippers na masilat ang Game 2 mula sa Phoenix Suns sa kanilang best-of-seven Western Conference Finals series.

Salamat sa dunk ni Deandre Ayton mula sa inbound pass ni Cameron Payne sa huling 0.9 seconds ng laro para selyuhan ang panalo.

Maari na sanang makuha ng Clippers ang panalo subalit sumablay ang dalawang free throws ni Paul George sa nalalabing 7.2 seconds.

Humakot ng kabuoang 26 points si George habang may 19 points naman si Reggie Jackson.

Samantala nagtala naman ng 73 comnbined points ang trio ng Phoenix kung saan 29 puntos dito ang naiposte ni Cameron Payne, 24 ang kay Ayton habang may 20 puntos si Devin Booker sa kabila ng maalat nitong shooting.

Hindi pa rin nakapaglaro ang dalawang star ng magkatunggaling koponan na sina Kawhi Leonard dahil sa injury at Chris Paul dahil sa COVID-19 protocols ang liga.

Dahil sa panalo, nanatiling 0-2 ang Clippers na muling haharapin ang Suns sa kanilang home town sa Biyernes para sa Game 3 ng serye.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *