Clippers naitabla ang serye kontra Dallas, 3-3 na!

Magkakaroon ng do-or-die Game 7 sa serye ng Dallas Mavericks at Los Angeles Clippers sa unang round ng NBA Western Conference Playoffs.

Ito ay matapos talunin ng Clippers ang Dallas sa Game 6 ng series, 104-97 para itabla sa 3-3 ang standing.

Nanguna sa panalo si Kawhi Leonard na nagtala ng playoff-high 45 points.

Dinagdagan naman ito ni Reggie Jackson ng 25 points para tulungan ang koponan na manatiling buhay sa playoffs.

Samantala humakot naman si rising-star Luka Doncic ng 29 points habang 25 points para kay Tim Hardaway Jr. subalit bigo pa rin itong tapusin ang serye.

Ang mananalo sa Clippers-Mavericks bracket ay makakalaban ang naghihintay nang Utah Jazz sa West semis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *