CNPH hindi na muna tatanggap ng COVID patients matapos maabot ang full capacity

CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ng Provincial Health Office (PHO) nitong Biyernes na hindi na muna tatanggap ng COVID- 19 patients ang Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) matapos na maabot na nito ang full capacity.

Sa isang pahayag, sinabi ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na bukod sa puno na ang isolation ward ng ospital ay kulang na rin umano ito sa tao na mag aasikaso sa pasyente dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19 sa probinsiya.

Kaugnay nito umapela si Francisco sa mga Local Government Units sa lalawigan na maglagay ng mga quarantine at isolation facilities sa bawat munisipyo para ma- accommodate ang mga mayroong mild symptoms at asymptomatic na COVID- 19 patients.

Wala pang pahayag sa ngayon ang mga pribadong ospital sa lalawigan hinggil sa status ng kanilang mga isolation wards.

Kung maalala ay dati nang sinabi ni Francisco na batay sa kautusan ng Department of Health (DOH) ang mga pampublikong ospital ay dapat maglaan ng 30 percent ng kanilang hospital beds para sa mga COVID patients.

Habang ang mga pribadong ospital naman ay dapat maglaan ng 10 percent hospital beds.

Sa tala ng DOH sumampa na sa 656 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte makaraang makapagtala ng 18 bagong kaso nitong Biyernes.

Nasa  245 naman dito ang aktibong kaso at 381 ang recoveries.

Nananatili naman sa 30 ang bilang ng mga namatay dahil sa sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *