COA, may jurisdiction na iaudit ang mga NGO gaya ng Red Cross- Palasyo

Nandindigan ang Palasyo na maaari umanong tingnan ng Commission on Audit (COA) ang mga finances ng Philippine Red Cross (PRC) kahit pa ito ay isang non-government organization (NGO).

Ito ay matapos na sabihin ng COA na hindi sakop ng kanilang jurisdiction ang mga NGO na katulad ng Red Cross na siyang pinamumunuan ni Senador Dick Gordon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ilalim ng constitution, maaarimg suriin ng COA ang pondo ng mga NGO kung ang pondong ito ay mula sa gobyerno.

Nasasaad rin umano sa batas ang mandato sa PRC na magpasa ng yearly financial report nito sa Pangulo, na siya naman umanong hindi nasusunod ng PRC simula pa taong 2016.

Dagdag pa ni Roque, isa sa mga isyu na dapat tingnan ng COA ay ang pagsingil ng PRC ng P3,500 para sa COVID-19 tests gayong dapat ay P2,000 lamang ang singil nito dahil donasyon lamang ang ilang mga gamit nito.

Matatandaan na nagkaroon ng isyu ang PRC at gobyerno matapos na kastiguhin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Gordon sa pagungkat nito sa mga umano’y overpriced medical equipment na binili ng gobyerno noong 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *