COA, pinuna ang P36-M training, travel expenses ng National Youth Commission

Pinuna ng Commission on Audit (CoA) ang P36-M pesos na ginastos ng National Youth Commission (NYC) sa kanilang mga training at travel expenses.

Batay sa 2022 audit report ng COA, sinabi ng mga auditor, na kabilang sa kanilang pinuna ang labis na gastos na P1.28 milyon para sa mga hotel room reservation sa isang summit na dinaluhan ng lider ng mga kabataan mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Binigyan-katwiran naman ng NYC sa kanilang paliwanag, na unoccupied o walang tao ang hotel room dahil hindi raw nakadalo ang ilan sa partisipante dahil sa Covid-19 at ilan pang kadahilanan.

Bukod dito, na-flag din ng COA ang P1.03 milyon na ginastos sa sobrang tokens na natira pagkatapos ipamahagi sa mga kalahok.

Pinasusumite ng COA ang NYC ng mga kulang na dokumento para malaman ang validity ng mga ginastos nito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *