COA, tiniyak na nasunod ang due process sa COA report

Nanindigan ang Commission on Audit na nasunod ang due process sa kanilang mga inilalabas na report kaugnay sa paraan ng paggastos ng isang ahensya ng gobyerno sa public funds.

Inihayag ito ni COA Chairperson Michael Aguinaldo sa pagdinig ng Kongreso na may kinalaman sa report nito sa “deficiencies” umano ng Department of Health sa paghawak nito sa mahigit P67-billion na pondo para sa COVID-19 response.

Sinabi ni Aguinaldo na ilan lamang sa mga proseso na kanilang sinunod ay ang pakikipagpulong kasama ang concerned agency at exit conference.

Ipinunto rin niya na wala silang dapat linawin sa media tungkol sa kanilang ulat, dahil wala naman silang sinabi na may korapsyon na naganap.

Samantala, naniniwala naman ni Health Secretary Francisco Duque na nasira ang dangal ng kaniyang ahensya dahil sa report na inilabas ng COA.

Binigyang diin naman ng COA na ang mga audit findings nito ay available sa kanilang website, at wala silang ibinibigay na impormasyon na direkta sa media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *