Coast Guard naka heightened alert sa pagunita ng Undas

Bagamat walang malakihang pagtitipon ngayong taon sa pagunita ng Undas dahil sa banta COVID- 19, naka heightened alert  ang Philippine Coast Guard na nagsimula pa noong Lunes.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Chief Petty Officer Mario Allan Rosales na nakatutok umano sila ngayon sa Mercedes Fish Port dahil ito lang ang mayroong bumibiyaheng pampasaherong bangka sa kanilang Area of Responsibility (AOR).

Hindi na rin umano inaasahan ng Coast Guard na magkakaroon ng congestion sa pantalan ngayong araw dahil sa nakatakdang pagsasara ng mga sementeryo simula sa October 29 hanggang November 2.

Alinsunod ito sa kautusan ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases at ng Provincial Government.

Habang ang Diocese of Daet naman ay ipinag utos ang mas mahabang araw ng pagsasara ng catholic cemeteries simula sa October 29 hanggang November 4.

Ayon kay Rosales, kung walang pandemya ay malamang na nasa full alert status ngayon ang Coast Guard.

Nagpaalala naman si Rosales sa mga pampasaherong Bangka na sundin ang health protocols partikualr ang social distancing.

Sa ngayon umano, ang isang biyahe ng pampasaherong bangka na pwedeng magsakay dati ng hanggang sa 25 pasahero ay 12 lang ang pinapayagan.

“Wala tayong Oplan Undas ngayon kasi nga very minimal yung bumibiyahe kaya heightened alert lang tayo, pero kung walang pandemic at natural na panahon natin malamang sa malamang nasa full alert kami,” ani Rosales

“Ang minomonitor lang natin yung sa fish port, yung bangkeruhan na may mga tumatawid araw- araw, dun po tayo magkakaroon ng assistance kasi yun lang naman ang sa AOR ko na merong passenger boat.”

Wala na rin umano silang ide- deploy na personnel sa Mercedes cemetery na malapit lang sa kanilang opisina.

Noon kasi kahit wala sa kanilang mandato ay tumutulong ang Coast Guard sa mga kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan sa sementeryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *