Coast Guard Station sa Camarines Norte walang naitalang maritime incident sa paggunita ng Undas ngayong taon

CAMARINES NORTE – “All is well”!

Ganito inilarawan ng Philippine Coast Guard ang pagunita ng Undas sa lalawigan ng Camarines Norte kung ang pag uusapan ay patungkol sa mga pantalan, karagatan at ilog.

Sa impormasyon mula kay Chief Petty Officer Mario Allan Rosales, Information Officer ng Camarines Norte Coast Guard Station naging maayos umano sa pangkalahatan ang paggunita ng Undas.

Tila normal na araw nga lang umano ang Undas kung ang pag uusapan ay ang dami ng mga tao  sa ilang mga pantalan sa lalawigan.

Mababatid na naglusad ng Oplan Biyaheng Ayos ang Coast Guard dahil sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at Undas.

Nag deploy din ng karagdagang pwersa ang Coast Guard District Bicol sa lalawigan upang makatuwang ng PNP sa pagpapanatili ng kaayusan sa katatapos lang na BSKE at Undas.

Mananatili ang augmentation force sa lalawigan hanggang November 6.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *