Editors Pick

Code of Conduct sa West Philippine Sea, pinamamadali ni Imee

Pinamamadali ni Senator Imee Marcos ang pagbalangkas ng Code of Conduct sa West Philippine Sea upang maiwasan ang mga insidente sa mga pinagtatalunang isla.

Naglabas ng kanyang pahayag si Marcos, na siyang chairman ng Senate committee on foreign relations, matapos na magpasa ang Senado ng resolusyon na mariing tumututol sa paulit-ulit na intrusion ng China sa WPS.

Sinabi ng mambabatas na ikinaalarma niya ang nangyaring insidente sa WPS na nagpapatunay na kailangang mabilis na subaybayan ang pagapruba ng Code of Conduct.

Ang tinutukoy niya ay ang video na ipinakita ni Senator Francis Tolentino sa isang privilege speech noong Miyerkules. Makikita sa footage ang insidente noong Nobyembre malapit sa Pag-asa Island kung saan nakitang kinuha ng Chinese Coast Guard ang hinihinalang rocket debris na nakuha ng mga tauhan ng Philippine Navy.

READ MORE:

Samantala, tiniyak rin ni Marcos na hahanapan niya ng pondo ang mga request ng Armed Forces of the Philippines maging ng Bantay Dagat upang mapatatag ang paninindigan ng bansa sa mga pinagtatalunang isla.

Ikinalungkot kasi ng senador na inilagay sa unprogrammed funds ang request ng AFP sa mga dagdag tauhan nito.
#

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

7 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

7 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

7 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

7 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

7 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

8 hours ago