Senado, nagpahayag ng pagkadismaya sa harassment ng Chinese military sa WPS

In-adopt ng Senado ang isang resolusyon na layong kundenahin ang patuloy na pananakot at harassment ng Chinese Coast Guard sa mga Pilipino sa West Philippine Sea.

Nagkaisa ang lahat ng miyembro ng Mataas na kapulungan para maging co-authors ng naturang resolusyon kung saan ay ipinahayag nila ang pagkagalit sa mga napaulat na pambabraso ng mga Chinese vessels sa Pag-asa Island.

Kanilang kinokondena ang anila’y ‘grey zone’ tactics ng China sa West Philippine Sea.

Sa sesyon sa Senado, ipinakita ni Senador Francis Tolentino ang footage kung saan ay sapitiltang ni-recover ng Chinese Coast Guard ang kanilang mga rocket debris.

Sinabi nina Senador Bato dela Rosa at Senate President Pro Tempore Loren Legarda na walang puwang ang mga bully sa mundo.

Para kay dela Rosa, punong-puno na raw ang mga Pilipino sa patuloy na pambu-bully ng China at ginaawang harassment sa mga tropa ng Pilipinas.

Matatandaaang una nang sinabi ng Chinese Embassy na nagkaroon pa rin ng ‘friendly consultation’ sa debris retrieval – taliwas sa salaysay ng ating Philippine Navy.

Una na ring nagpadala ng note verbale ang Pilipinas sa China para pagpaliwanagin sa insidente.

RELATED STORY:

Pilipinas, nagpadala na ng note verbale sa China re: ‘forced retrieval’ ng rocket debris sa WPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *