Coffee shop, unexpected na pinagdausan ng isang kasalan

Kung ang pagpapakasal ay isang napakahalagang araw para sa isang magkasintahan, tiyak maging ang venue at pagdadausan nito ay dapat pinaghahandaan din.

Ngunit, paano na lamang kung bigla-bigla na lamang ito isinagawa sa isang unexpected na lugar?

Ganito kasi mismo ang nangyari kamakailan sa New York, kung saan, isang coffee shop ang ginawang venue at naisakatuparan ito nang sapilitan.

Nagulat nga ang management ng naturang coffee shop nang bigla na lamang pumasok ang aabot sa 30 tao.

Maya-maya lamang ay pumasok na ang bride at isinagawa ang isang kasalan.

Dahil rito maging ang mga staff ay walang kamuwang-muwang sa kung ano ang kasalukuyang nagaganap.

Pagkatapos ng insidente, nag-email ang management sa bride at dito nga nag-alok ng $200 ang bride o mahigit sa P11, 000 para sa kanilang pag-abala.

Ngunit, higit pa umano rito ang kanilang rate at inabala ang kanilang negosyo noong araw na iyon.

Kaya naman, mag-aantay umano ang management hanggang sa magbayad ang mga nandisturbo sa kanilang coffee shop.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *