Coin toss, nagpasya sa kapalaran ng 11 nanalong kandidato sa BSKE sa lungsod ng Masbate

 ‘Suwerte’ at hindi ang bilang ng mga boto – ang nagbigay ng tagumpay o pagkatalo para sa ilang kandidato sa halalan sa Masbate City noong nakaraang Lunes, Oktubre 30 para sa BSKE.

Napagdesisyunan sa pamamagitan ng coin toss matapos ang halalan na nagresulta sa pagkakaroon ng electoral ties.

Sa 11 kandidato na nanalo sa coin toss ay kinabibilangan ng tig- 2 SK Member sa Brgy Centro, Brgy Asid at Brgy Pawa. Isang Sangguniang Member sa Brgy Bapor at isang SK Member sa Brgy Cagay habang tatlong SK Member sa Brgy Mapiήa.

Ang 11 namang hindi pinalad sa coin toss ay tinanggap ang kanilang pagkatalo.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ang ‘tie’ o tabla ay maaaring ayusin sa pamamagitan ng pag-draw o palabunutan o paghahagis ng barya.

Ang electoral board ay nasa ilalim ng tagubilin o ‘under instructions’ na agarang pangasiwaan ang coin toss o drawing of lots upang malutas ang electoral ties at agad na iproklama ang mga nanalo maliban sa mga kandidato na may nakabinbin na disqualification cases.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *