CENTRAL LUZON- Naglunsad ngayon ang Department of Environment and Natural Resources Region 3 ng environment video contest.
Ito ay bukas para sa mga estudyante ng kolehiyo na interesado kung saan katuwang rin ng DENR ang USAID Sibol Project.
Maaaring sumali ng individual o kaya grupo na binubo ng tatlong myembro, ang video ay dapat nasa 30-seconds hanggang 60-seconds lamang at maaaring ito ay announcement, animated cartoon, documentary, short story o music video.
Maliban dito ay dapat orihinal rin ang materyal na isusumite kung saan ang deadline ng pagsusumite ay hanggang sa June 20 ng alas singko ng hapon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO