Combined air patrol ng Philippine at US Air Force, isinagawa sa WPS

Nagsagawa ng combined air patrol ang mga air assets ng Philippie Air Force at United States Pacific Air Force sa West Philippine Sea.

Ayon kay Air Force Public Affairs Office Chief, Col. Ma. Consuelo Castillo, lumahok dito ang 3 FA-50 light jet fighters ng PAF at isang B-52H heavy bomber ng Estados Unidos.

Sakop ng air patrol ang nasa 90 nautical miles kanluran ng Candon, Ilocos Sur at 50 nautucal miles sa hilagang kanluran ng Lubang, Mindoro.

Ang air activity ay parte ng 3rd Maritime Cooperative Activity (MCA) sa pagitan ng Pilipinas at US.

Ito’y demonstrasyon ng commitment ng dalawang pwersa na mapahusay ang kanilang Interoperability at itaguyod ang kapayapaan at seguridad sa Indo-Pacific Region.

Ang unang MCA ay ginanap noong Nobyembre ng nakaraang taon at ang pangalawa noong Enero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *