COMELEC Albay, wala pang natatanggap na petition for recount mula sa tumakbong mga kandidato sa BSKE

LEGAZPI CITY – Hindi na bago para sa COMELEC ang matakatanggap ng mga reklamo at petisyon sa pagpa-recount mula sa mga tumakbong kandidato ayon sa COMELEC Albay kaugnay ng katatapos pa lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 noong Lunes, Oktubre 30.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay COMELEC Albay Provincial Election Supervisor Atty. Ma. Aurea Bo-Bunao, sinabi niya na ganitong senaryo ang nangyayari kapag natatapos ang mga halalan.

Sa Albay, wala pa silang natatanggap na opisyal na reklamo at hindi pa nila ito makukumpirma sa ngayon.

Ayon pa kay Bunao, malalaman nila kung official ito kapag mayroon nang subpoena duces tecum na pinapa-produce sakanila o kaya naman kung mayroon nang protestang inilabas ang tumakbong kandidato sa kalaban nito.

Para naman sa mga nagbabalak na mag-file ng protesta, hindi na dapat ito umabot pagkatapos ng Nobyembre 9 dahil hindi na ito tatanggapin.

Ayon kay Bunao, 10 araw lang kasi pagkatapos ng eleksyon o proklamasyon ang itinakda para sa paghain ng mga petisyon sa pagprotesta at kinakailangan mayroong abogado sa pag-file nito.

Subalit, paalala ni Bunao na pag-isipang mabuti desisyon sa pagpa-recount dahil malaking halaga ng pera ang kinakailangan mula pa lamang sa pagkuha ng abogado hanggang sa ilan pang mga bayarin tulad ng filing fee, cash deposits requiring revision of ballots at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *