COMELEC Bicol nagsagawa ng pagpupulong sa mga ahensya de gobyerno para sa nalalapit na National and Local Elections sa Mayo 9, 2022

Nagsagawa ng ‘4th Regional Joint Security Control Center (RJSCC) meeting ang Commission on Election Bicol sa mga ahensya de gobyerno para sa nalalapit na National and Local Elections sa Mayo 9, 2022.

Pinangunahan ito ni Regional Director Atty. Maria Juana Valeza ng COMELEC Bicol , kasama sa pagpupulong ay ang sumusunod AFP SOLCOM Commander LTGEN Bartolome Vicente Bacarro, 9ID Commander MGEN Alex DC Luna, PRO 5 RD BGen. Jonnel C. Estomo, DILG 5 RD Atty. Anthony Nuyda, NICA 5 RD Vert Chavez, NAVFORSOL Commanding Officer COMMO Jose Ma Ambrosio Ezpeleta, DEPED 5 RD Gilbert Sadsad, 9ID Battalion Commanders, PRO5 Provincial Directors, COMELEC Election Supervisors, representatives of Regional Directors  ng iba’t ibang NGA’s miyembro ng mga security sector at mga stakeholders.

Tinalakay ng konseho ang iba’t ibang hakbang upang matiyak ang malaya, maayos, tapat, mapayapa at kapani-paniwalang pagsasagawa ng 2022 National and Local Elections.

Samantala, Sa pagpupulong, nilinaw ng COMELEC ang mga tiyak na tungkulin ng mga miyembro ng RJSCC bago, habang, at pagkatapos ng halalan. Inilatag din ang mga contingency plan at iba’t ibang isyu at alalahanin ang nailabas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *