Comelec Bicol nakahanda na sa ‘contingency measures’ kung magka-aberya sa araw mismo ng eleksyon

LEGAZPI – Nakahanda ang ahensya ng Commission on Election Bicol sa possible umano’y problema sa araw mismo ng halalan.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Jasmine Belarmino ang Legal Assistant Director ng Commission on Election Bicol sa panayam ng Brigada News FM Legazpi nakahanda umano ang ahensya sa pwedeng maging problema  sa araw mismo ng halalan.

Aniya, nakalatag na ang ‘contingency plan’ ng ahensya upang kung meron man na problema ay agad naman na masosolusyonan.

Gaya na lamang ng mga vote counting machines na aabot sa 6,656 na mga VCMs ang naideploy na sa mga voting centers ngunit kung meron man na magkaroon ng malfunction sa mga VCMs ay agad naman itong papalitan.

Hindi naman kasi maitatangi na ayon kay Atty. Belarmino na machine lamang ang mga VCMs at pwede itong magka-aberya.

Samantala, hindi na rin bago sa ahensya ang ganitong klaseng sitwasyon ngunit handa pa rin kung magka-problema.

Panatag naman ang opisyal na handan-handa na ang ahensya sa tulong ng mga stakeholders na magiging maayos ang resulta ng eleksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *