COMELEC – bukas sa panukalang i-reschedule ang BSKE

Kinikilala raw ng Commission on Elections (COMELEC) ang mungkahing pag-move ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 2026.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, sinabi nitong batid nila ang kakayahan ng Kongreso na mag-schedule ng halalan.

Ayon pa kay Laudiangco, malaking tulong pa nga ang hakbang na ito sa ahensya.

Kung maipatutupad daw kasi ito, hindi na magkadikit ang May 2025 local at national elections, at ang orihinal na December 2025 BSKE.

Mababatid na iminungkahi ng ilang mambabatas na i-reschedule sa October 2026 ang BSKE, mula sa unang plano na December 2025.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *