Comelec Camarines Norte dumistansya sa isyu ng people’s initiative para baguhin ang konstitusyon

CAMARINES NORTE – Dumistansiya ang Commission on Elections (Comelec) Provincial Office sa Camarines Norte kaugnay sa isyu ng people’s initiative para amyendahan ang 1987 Constitution.

Sa gitna ito ng mga reports na may ilang bayan sa lalawigan ang nakakalap ng pirma para sa itinutulak na pagbabago ng Saligang Batas.

Ayon kay Provincial Election Supervisor Atty. Francis Nieves, wala siyang komento patungkol dito dahil naghihintay lang naman umano ang Provincial Office ng mga direktiba mula sa nakatataas na opisina.

Sa ngayon ay suspendido ang lahat ng proceedings  kaugnay sa People’s Initiative sa Charter Change kaya walang tatanggaping pirma mula sa Comelec local offices alinsunod sa naging desisyon ng Comelec en banc.

Ito ay para bigyang-daan  ang pagsusuri ng mga guidelines o patakaran sa People’s Initiative sa pagnanais na amyendahan ang konstitusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *