COMELEC Camarines Sur naabot na ang target registrants

NAGA CITY- Naabot na ng Commission on Elections Camarines Sur ang target registrants.

Ito ay ayon kay COMELEC Officer Atty. Noriel Badiola, ipinunto nito na 10% increase lamang ang kanilang target subalit pumalo na ito sa 19% increase kumpara noong nagdaang eleksyon , hindi naman nabanggit ng opisyal ang eksaktong bilang subalit ito aniya ang lumabas sa kanilang data.

Nitong huling linggo ng Setyembre hindi na mahaba ang pila sa mga COMELEC Offices sa lalawigan dahil naging puspusan din ang kanilang satellite registration, iba sa sitwasyon sa Naga City na lumipat pa nga ng venue ang COMELEC upang hindi malabag ang health protocols sa dami ng humahabol.
Para kay Badiola, hindi pa rin nawawala ang Mañana Habit ng mga Pinoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *