COMELEC-Canaman hindi nakatanggap ng People’s Initiative Form ; mga barangay puwede na magpa schedule ng Voter’s Satellite Registration

CAMARINES SUR- Walang natanggap na People’s Initiative Form kaugnay ng pagnanais na amiendahan ang Saligang Batas ang Commission on Elections  (COMELEC) – Canaman, Camarines Sur kaya wala namang babawi ng pirma.

Ito ay ayon kay Renne Ranches ng nasabing tanggapan. Aniya kahit noong hindi pa nasususpinde ang pagtanggap ng COMELEC sa naturang mga lagda, wala namang nag sumite sa kanilang opisina at wala rin nakarating sa kanilang impormasyon na may umiikot na form sa mga barangay. Mababatid na inilabas na ng COMELEC Central Office ang withdrawal form para sa mga nagnanais na bawiin ang kanilang pirma sa pagbabago ng 1987 Constitution. 

Sa ngayon , abala ang COMELEC sa mga nagpaparehisto para sa 2025 Midterm Elections.  Dagdag ni Ranches, ang mga barangay ay maaari nang magpa schedule ng registration upang mailapit  sa mga komunidad ang serbisyo habang hindi pa gaanong marami ang tumutungo sa COMELEC Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *