COMELEC Chair Garcia, hinimok ang pagbubukas ng ballot boxes noong nakaraang Eleksyon

Pinaplanong imungkahi ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia sa Comelec en banc ang pagbubukas ng mga ballot boxes noong Eleksyon 2022.

Sinabi nitong “win-win” solution ang ganitong pamamaraan upang matugunan ang mga alegasyon ng mga iregularities sa mga serbisyo ng Smartmatic sa huling halalan.

Hinangad ng petisyon na harangin ang Smartmatic mula sa pagkuha ng Comelec ng bagong automated election system (AES) para sa 2025 national at local elections.

Inihain ito ni dating Department of Information and Communications Technology chief Eliseo Mijares Rio Jr., Augusto Cadelina Lagman, Franklin Fayloga Ysaac, at Leonardo Olivera Odono noong Hunyo.

Inaasahan naman ni Garcia na maresolba ang nasabing isyu sa susunod na linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *