Comelec chair, hindi makikialam sa Guanzon vs Ferolino dispute

Hindi makikialam si Commission on Elections chairman Sheriff Abas sa inilarawan ng poll body na “division problem” sa pagitan nina Commissioners Rowena Guanzon at Aimee Ferolino, kaugnay sa disqualification cases laban kay presidential aspirant Bongbong Marcos.

Ito’y matapos na manawagan si Guanzon kay Abas na magsalita, kasunod ng pagkakaantala sa pagpapalabas ng desisyon ng Comelec First Division sa consolidated disqualification petitions laban kay Marcos.

Ayon kay Abas, magiging “inappropriate” na magkomento sa sigalot sa pagitan ng dalawa, pero tutugon umano siya rito sa ibang forum.

Giit naman ni Comelec spokesman James Jimenez, ang usapin ay tungkol sa division, kung saan ito umano ay binubuo ng dalawang strong-willed women na parehong mula sa malakas na anggulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *