COMELEC, ‘di mababayaran ang overtime ng mga gurong naglingkod sa BSKE2023

Kinumpirma ni Commission on Elections (COMELEC) chairperson George Garcia na hindi mababayaran ang mga overtime pays ng mga gurong sumobra ang oras sa pagtatrabaho sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sabi ni Garcia – gustuhin man daw nilang bayaran ang OT pay ng mga teachers – wala naman silang nakuhang budget para rito.

Sa ilalim ng COA-DBM circular – sinasabing ang mga empleyado lamang ng isang ahensya ang entitled sa overtime pay.

Ibig-sabihin, sinabi ni poll body chief na hindi makapagbibigay ang COMELEC ng bayad sa mga teachers, dahil hindi nila ito empleyado.

Sa kabila nito, mulint tiniyak ng COMELEC na maipapamahagi na ang mga bayad sa mga teachers hanggang bukas, araw ng Biyernes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *